Pagskedyul ng test

Makakapamili ang pasyente ng iba’t ibang klase ng test depende sa kung ano ang kanilang kinakailangan. Matapos nito ay maari na rin silang mamili ng nakatakdang araw ng pagbisita sa laboratoryo at magbayad ng kanilang test.

Naririto ang sumusunod na panutunan na kailangang sundin sa pagskedyul ng test:

  1. Buksan ang online shop ng laboratoryo na inyong pupuntahan.

  2. Sa listahan na makikita sa shop, piliin ang kinakailangan na test.

  3. Pindutin ang “Review Cart.”

  4. Kung nasa cart na ang kinakailangan na swab test, pindutin ang “Continue.”

  5. Sa Patient Information and Schedule, piliin ang “No Patient” at pagdating doon ay piliin naman ang “Register” kung kayo ay wala pang retrieval o qr code. Magbubukas ito ng panibagong form na hihingi ng inyong impormasyon.

  6. Para sa may retrieval code na, ilagay lamang ang inyong email address at retrieval code at pindutin ang “Update.”

  7. Ibigay ang mga impormasyon na hinihingi para sa pagbabayad at piliin kung alin ang pinakamadaling payment channel para sa iyo.

  8. Makakatanggap kayo ng confirmation sa inyong email at ito ang inyong ipapakita sa personnel pagdating ninyo sa laboratoryo.

Ipagpatuloy ang pagbabasa kung nais makita ang sunod-sunod na hakbang ng pagskedyul ng test gamit ang online shop:

Sunod-sunod na hakbang sa pagskedyul ng test gamit ang online shop:

1. Buksan ang link ng shop ng laboratoryo

2. Pindutin ang “VIEW ITEM” para makita ang detalye ng test

3. Magdagdag ng bilang ayon sa test na iyong kinakailangan.

4. Basahin nang mabuti ang detalye tungkol sa test na gagawin.

Paalala: Ang mga impormasyon ay naglalaman ng detalye tungkol sa test, magkano ang babayaran para sa test, ano ang mga kailangang ihanda para sa test, at kung saan matatagpuan ang collection site/venue.

Pindutin ang OPEN IN GOOGLE MAPS kung gustong malaman paano pumunta sa napiling collection site/venue.

Matatagpuan dito ang contact details ng laboratoryo para sa iba pang katanungan tungkol sa detalye ng test.

5. Pindutin ang “ADD TO CART” para mapabilang ang test sa ‘yong pagbayad.

6. Pindutin ang “REVIEW CART” para makita ang nilalaman ng cart.

7. Suriing mabuti ang laman ng iyong cart.

Pindutin ang “x” kung may sumobra sa laman ng iyong cart.

Mayroong paalala ang lalabas kung ang sumobra na test ay naalis na sa inyong cart.

8. Pindutin ang “CONTINUE” matapos siguruhin ang laman ng iyong cart.

9. Pindutin ang “No Patient” para magdagdag ng pasyente

Kung ang pasyente ay wala pang retrieval code, pindutin ang “Register” at sagutan ang Electronic Patient Registration Form.

10. Ilagay ang email at retrieval code ng pasyente at pindutin ang “UPDATE”

Paalala: Maaring magdagdag ng higit pa sa isang pasyente; ngunit, siguraduhin lamang na tama ang email at retrieval code na ilalagay.

May paalala na lalabas na nagsasabi kung nadagdag ng maayos ang pasyente.

Kung ang pasyente ay hindi pa rehistrado sa laboratoryo, lalabas ang “Patient not found - Please try again”

Isang checkmark ang lalabas kung ang pasyente ay maayos na na-rehistro sa laboratoryo.

11. Pindutin ang “No appointment schedule” para makapili ng petsa at oras ng test.

12. Pumili ng petsa kailan gustong pumunta sa laboratoryo

13. Pumili ng oras

14. Pindutin ang “SUBMIT” pagkatapos pumili ng petsa at oras

May paalalang lalabas na magsasabi kung maayos na naitala ang petsa at oras.

15. Pindutin ang “PROCEED TO CHECKOUT” kung parehong may checkmark ang pangalan ng pasyente at ang schedule.

16. Ilagay ang impormasyon ng pasyente

17. Suriing mabuti ang “order summary” kung lahat ng kinakailangang test ay tama at maayos.

18. Pumili sa mga sumusunod na pamamaraan ng pagbabayad

19. Pindutin ang “COMPLETE ORDER” pagkatapos ilagay ang mga hinihinging detalye.

Siguruhin na inyong natanggap sa inyong email ang order confirmation form bago umalis sa website. Kung walang natanggap na email, pindutin ang “RESEND CONFIRMATION” para ito ay maipadala muli sa iyong email address.

Maari ring i-download ng pasyente sa kanilang gamit na device ang order confirmation form sa pamamagitan ng pag pindot sa “DOWNLOAD ORDER CONFIRMATION

Dalhin ang order confirmation form sa araw ng nakatakdang test at ipakita ito sa mga staff ng laboratoryo. Matatagpuan sa documento ang lahat ng impormasyon tungkol sa nakatakdang test at ang patunay ng pagbabayad.

Last updated