Electronic Patient Registration Form (Tagalog)

Ang form na ito ay sasagutan ng mga pasyente ng isang beses para sa kanilang pupuntahan na laboratoryo. Pagkatapos, makakatanggap ang pasyente ng Retrieval Code at QR, at makakatanggap rin sila ng email na naglalaman ng mga impormasyon na ito. Kapag ang pasyente ay may Retrieval Code at QR code na, maari nila itong gamitin nang paulit-ulit para sa laboratoryo ng kanilang pinagkunan.

Paalala: Siguraduhin na lahat ng kinakailangan at mahahalagang impormasyon ay iyong nailagay sa form.

Naririto ang sumusunod na hakbang na kailangang sunduin:

  1. Magparehistro sa laboratoryo

  2. Ibigay ang mga kinakailangan na impormasyon:

  • Pagpapakilala sa sarili (Patient information)

  • Detalye ng pagtanggap ng bakuna (Patient vaccination record - optional)

  • Detalye ng trabaho (Patient employment information)

  • Larawan (Patient profile photo - Optional)

  • Dokumento ng pagkilala sa identidad (Identity document)

  • Philhealth ID (optional)

  • Person with Disability ID (PWD ID - optional)

  • Kasalukuyang tinitirahan (Current address)

  • Permanenteng tinitirahan (Permanent address)

  • Numero ng telepono (Telephone number)

  • Detalye ng paglalakbay (Travel details)

  • Detalyeng medical (Patient medical record)

  • Detalyeng clinical ng pasyente (Patient clinical record)

  • Quarantine Facility (optional)

3. Kopyahin ang matatanggap na Retrieval Code at QR code. Ito ay ipapadala din sa email na iyong inilagay nung nagsasagot ng patient registration form.

4. Ipakita sa personel sa laboratoryo ang iyong retrieval o QR code sa araw ng iyong pagbisita sa laboratoryo.

Last updated